Sabi ko na, dati pa.... kung naging matimtimang birhen lang ako, dati mo pa ako ginawang nobya mo.
Sabi ko na dati pa... hindi mo ako talaga kayang mahalin kasi nga, may pagka-malandi ako... may pagka-manyak.. paano mo naman nga ako ipagmamalaki sa angkan mo... wala nang itsura, parang wala pang moral...
Sabi ko na, masasaktan lang ako... aasa lang sa wala... kaso sakin kasi noon, pag mahal mo ang isang tao, mahal mo sya talaga... kasi yung tao ang minamahal mo, hindi yung isang parte ng katawan nya, o yung isang karanasan nya, o yung mga naging desisyon nya noong wala ka pa sa buhay nya... basta, yung tao yung minamahal mo... yung tao yung pag-aalayan mo ng mga pangarap mo... ng kinabukasan mo.. ng kaligayahan mo...
Ngayon, eto ako, umiiyak. Hindi naman makuhang magtampong hindi mo naipaglaban kung sino ako... kasi iniisip ko, hindi mo naman nga obligasyon. Sino nga ba naman ako? Kaibigan lang, diba? Kaibigan lang....
Mahal mo man ako... pero kaibigan pa rin lang....