Tuesday, January 28, 2003

Dati pa
sabi ko na
iba akong magmahal
kahit walang maniwala sakin
dahil sa kadaldalan ko
at likas na masayahing ugali
dahil sa kaartehan
at likas na kalandian
hirap akong mangumbinsi
na talo ko pa
ang sandamakmak na
matimtimang birhen
kung umibig

dati pa
minahal na kita
kahit wala sa plano
at wala sa hinagap ko
nangarap din ako
na maging 'tayo' sana
alam ko, dumaan ako
sa panahong wala akong
ibang panalangin
kundi ang mahalin mo rin
minsan din, alam kong
mahal mo na din ako
kaya lang, hindi talaga
pwede eh
ikaw ang may ayaw
sa pag-ibig

dati, iniisip ko
kung naging tahimik kaya ako
at mas cariƱosa
baka mas naging madali
para sa iyo
na piliing mahalin ako
pero naisip ko din
baka naman nga
talagang hindi tayo
para sa isa't isa
kasi, kung itinadhana tayo
di hindi sana naging
ganun kahirap
at kasakit saking
ibigin ka

Pero alam mo
(malamang hindi)
Minahal talaga kita
mahal pa rin kita
Noon, lahat ibibigay sayo
Lahat handang gawin para sa'yo
at naghintay ako
kaya lang, napapagod din pala
ang puso
at kahit handa syang maghintay
napapaniwala rin pala sya
na ang kaligayahan ng minamahal
ay wala sa kanya

- another impromptu.... sigh....